Sunday, April 28, 2024

3 robbery-holdup group members patay sa engkwentro sa QC

- Advertisement -

Patay ang tatlong (3) hinihinalang holdaper matapos mauwi sa engkwentro ang operasyon ng pulisya sa bahagi ng Biak na Bato sa Sto. Domingo, Quezon City.

Kinilala ang mga napatay na suspect bilang sina alyas “Jeffrey”, “Nono”, at “Bert” na pawang mga miyembro ng Hermosa robbery group.

Ayon kay QCPD Deputy Dir. for Operations Pol. Col. Enrico Vargas, nakatanggap ang pulisya ng intelligence report na magsasagawa ng pagnanakaw ang mga suspect sa naturang lugar.

Dahil dito, agad na ikinasa ng district special operations unit ang anti-criminality ang surveillance operations at agad namang namataan ang dalawang riding-in-tandem na nakatambay lang sa lugar.

Ayon pa kay Vargas, agad na bumunot ng baril ang mga suspect ng sitahin ito ng mga pulis kung saan nauwi anya ito sa palitan ng putok.

Samantala, nakuha naman sa pinangyarihan ng krimen ang tatlong kalibre 45 na baril, isang motorsiklo at isang sachet ng shabu.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -