Sunday, May 5, 2024

Pulis suspek sa pag-masaker sa 3 miyembro ng isang pamilya sa QC

- Advertisement -

Kinumpirma ng Quezon City Police na isang pulis ang suspek sa pag-masaker sa tatlong (3) kataong miyembro ng isang pamilya sa Quezon City.

Ayon kay Chief Superintendent Joselito Esquivel, hepe ng QCPD, naglunsad na sila ng manhunt operations laban sa suspek.

Sinabi ni Esquivel na positibong itinuro ng isang testigo ang suspek at batay sa paunang impormasyon, wala itong kasama nang isagawa ang pagpatay sa pamilya.

Bagamat hindi muna tinukoy ni Esquivel ang pangalan ng suspek, sinabi nitong nakatalaga ang pulis sa Caloocan PNP.

Una rito, natagpuang patay at may tama ng bala ang mag-asawang Romeo Sr. at Christina Ado gayundin ang 11-anyos nilang anak na si Romeo Jr.

Sinasabing binuweltahan sila ng pulis dahil kinasuhan ito ng isa sa mga anak ng biktima.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img