PDEA iginagalang ang ginawang pagdulog ni alyas ‘Bikoy’ sa IBP

0
47

Iginagalang ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang ginawang pagdulog sa Integrated Bar of the Philippines o IBP ni Jeomer Advincula na nagpakilalang si Bikoy na nasa viral video na “Ang Totoong Narco list”

Ayon kay PDEA Dir. Gen. Aaron Aquino, karapatan ni Advincula na humingi ng serbisyo sa IBP.

Ngunit para kay Aquino, pawang alegasyon lamang ang mga inilahad ni Advincula sa IBP.

Giit ni Aquino, mananatili lamang itong sabi-sabi kung hindi magsusumite si Advincula ng kaniyang sinumpaang salaysay at susuportahan ng mga matitibay na ebidensya.