3 pang Pinoy sa HK nagpositibo sa COVID-19

3 pang Pinoy sa HK nagpositibo sa COVID-19

by Powered by DWIZ
30 views

Tatlo pang Pinoy ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Hong Kong.

Dahil dito, sumampa na sa 16 ang kabuuang bilang ng mga OFWs na apektado na ng virus sa naturang bansa.

Kasunod nito ay pinayuhan ng Philippine Consulate General sa Hong Kong ang Filipino community na manatili na muna sa kanilang mga tahanan, at iwasan na muna ang pagpunta sa mga matataong lugar.

Umapela rin ito sa mga Hong Kong employers na respetuhin ang desisyon ng mga domestic workers na mas piniling manatili sa kanilang mga bahay sa kanilang araw ng pahinga.

Samantala, tiniyak naman ng Consulate General sa mga Pinoy sa Hong Kong na magpapatuloy ang kanilang pagbibigay ayuda sa gitna ng banta ng COVID-19.

0 comment

Related Posts