COVID-19 cases sa QC nadagdagan pa ng 10

COVID-19 cases sa QC nadagdagan pa ng 10

by Powered by DWIZ
32 views

Nadagdagan pa ng 10 ang bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Quezon City.

Batay sa pinakahuling tala ng Quezon City Local Government, sumampa na sa kabuuang 97 ang kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Nagmula ang mga bagong kaso sa mga Barangay Bahay Toro, Mariblo, San Isidro Labrador, San Jose, West Triangle, Bagong Silangan, Doña Imelda at Barangay Culiat.

Bukod dito, nadagdagan din ng isang nasawi mula sa mga naturang kaso, dahilan para sumampa na sa 14 ang death toll nito sa lungosd.

Habang nasa siyam naman ang naka-rekober mula sa virus.

Samantala, 53 na mula sa 144 na barangay sa Quezon City ang apektado na ng COVID-19.

0 comment

Related Posts