Saturday, May 4, 2024

3 nurse na kinulong sa kanilang condo unit sa QC naghain ng reklamo sa NBI

- Advertisement -

Naghain ng reklamo sa NBI ang tatlong nurse na pinigilang makalabas ng kanilang unit ng mga security personnel ng isang condominium tower sa Quezon City.

Kabilang sa mga kinasuhan ng serious illegal detention sina Mel Tosco, property manager/administrative head ng Victoria Towers Condominium Napoleon Brinias, head security management ng San Jose Builders Incorporated Atty Jerich Jucaban, vice president SJBI security guard na si Sadat Macabanding at limang iba pa.

Ayon sa report naghain ng reklamo sa NBI special action unit ang tatlong nurse matapos anilang illegal silang i-confine sa kanilang condminium unit mula pa noong June 22 sa kabila nang pagpapakita nila ng medical clearance na nagpapatunay na COVID-19 free na sila at fit nang mag trabaho muli.

Kahit nagtungo na ang mga tauhan ng NBI sa Victoria Towers nanindigan ang mga opisyal ng tower na huwag palabasin ng kanilang unit ang mga nurse dahil kailangan pang kumuha ng barangay clearance.

Subalit mismong ang barangay na ang nagsabing hindi na kailangang kumuha ng clearance mula sa kanila kaya’t umakyat na ng 9th floor ang mga tauhan ng NBI para i-rescue ang tatlong complainants.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img