Go umapela sa NBI na protektahan ang mga dokumento ng PhilHealth

0
27

Umapela si Senator Christopher Lawrence ‘Bong’ Go sa National Bureau of Investigation (NBI) na protektahan ang mga dokumento ng PhilHealth.

Kasunod ito ng mga ulat ng pagtatangkang pagsira sa mga ebidensya dahil na rin sa kinahaharap na anomalya ng PhilHealth.

Ayon kay Go, dapat na agad na silipin ng NBI at tiyaking hindi magagalaw ang mga ebidensya upang maprotektahan ang integridad ng imbestigasyon ng task force laban sa PhilHealth.

Una rito, tiniyak ng nbi na bantay sarado na nila ang lahat ng opisina ng PhilHealth matapos na mag leak ang kisame sa isang regional office ng PhilHealth na naging dahilan umano para masira ang ilang mahahalagang dokumento.

Gayunman, tiniyak naman ng PhilHealth na welcome sa kanila ang anumang ikakasang imbestigasyon hinggil sa naturang insidente.