Pormal nang nag-labas ng rekomendasyon ang Korte Suprema sa Judicial and Bar Council (JBC) para sa mababakanteng puwesto ni Associate Justice Noel Tijam.
Ayon kay Supreme Court Spokesperson Jose Midas Marquez, isa sa mga binotong papalit kay Tijam ay si Court of Appeals (CA) Justice Manuel Barrios na nakakuha ng pitong boto.
Habang nakakuha naman ng tig-anim na boto sina CA Justice Ramon Bato Jr., CA Justice Ramon Garcia at Court Administrator Midas Marquez.
Binigyang diin naman ng Korte Suprema na rekomendasyon lamang ang kanilang pag-boto, at JBC pa rin ang mamamahala sa pinal na listahan na pagpipilian ni Pangulong Rodrigo Duterte upang pumalit kay Tijam na magreretiro sa Enero 9 ng susunod na taon.