34.3 C
Manila
Tuesday, April 16, 2024

2 mambabatas nakatanggap ng P3-B pork barrel — Lacson

- Advertisement -

Dalawang kongresista umano ang nakatanggap ng tig-isa’t kalahating bilyong pisong pork barrel na nakapaloob sa proposed P3.8 trillion national budget para sa susunod na taon.

Ito ang isiniwalat ni Senador Panfilo Lacson matapos umarangkada sa mataas na kapulungan ng Kongreso ang plenary debates para sa panukalang pondo.

Ayon kay Lacson, batay sa kanyang inisyal na pagsisiyasat ay isang kongresista ang nakatanggap ng karagdagang P1.5 billion habang ang isa pang congressman o congresswoman ay tumanggap ng dagdag P1.6 billion.

Lampas ito sa pangako ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na tig P60 million para sa 292 district at party-list representatives.

Bagaman hindi pinangalanan ni Lacson ang dalawang kongresista, handa naman niya itong tukuyin sa plenary debate.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -