Lebel ng tubig sa Angat Dam patuloy bumababa

0
77

Hindi pa rin nadagdagan ang lebel ng tubig sa Angat Dam at iba pang dam sa Luzon sa kabila ng mga pag – ulan

Ayon sa PAGASA Hydro – Meteorological Division, naitala ang 169.79 meter kaninang umaga sa Angat Dam mas mababa sa antas nitong 169.88 meter kahapon.

Mababa ito sa 212 normal high water level at 180 meter na minimum operating level ng Angat Dam.

Naitala rin ang mababang lebel ng tubig sa Binga at San Roque Dam.

Samantala, nanatili naman ang water level ng Pantabangan Dam habang bahagya namang nadagdagan ang water level sa Ambuklao, Magat at Caliaraya Dam.