Halos 200 katao nahuli sa Cebu dahil sa paggamit ng vapes

0
20

Aabot sa halos 200 katao ang nahuli ng pulisya sa Cebu dahil sa pag-gamit ng vapes.

Ito ay kaugnay pa rin ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagbawal ang paggamit ng vape at e-cigarettes sa mga pampublikong lugar.

Ayon kay Central Visayas Chief Brig. Gen. Valeriano De Leon, umabot na sa kabuuang 230 e-cigarettes ang kanilang nakumpiska simula noong Martes.

Kasabay nito, nilinaw naman ni De Leon na kanila lamang dinadala ang mga nahuhuling gumagamit ng vape sa istasyon ng pulis para sumailalim sa police blotter at agad din naman nilang pinakakawalan.

Matatandaang sa Consolacion, Cebu naitala ang kauna-unahang sakit na may kinalaman sa paggamit ng vape.