29 Covid-Related Deaths, Naitala Sa Region 12; 10 Galing Sa GenSan

0
149

General Santos City – Umakyat na sa 1,755  ang mga naitalang binawian ng buhay mula sa mga nahawaan ng coronavirus disease 2019 infections sa Soccsksargen area.

Ito’y matapos madagdag ang 29 na mga newly-reported fatalities.

Batay sa October 4 tracker bulletin ng Department of Health, kabilang sa mga  ito ang 10 sa General Santos City; dalawa sa Banisilan, North Cotabato; dalawa sa Norala, South Cotabato; lima sa Koronadal City;  tatlo sa Isulan, Sultan Kudarat; dalawa sa M’lang, North Cotabato at tig-iisang Covid-19 related death sa Tantangan, Kidapawan, Kabacan at Alamada.

Sa regionwide tally, umakyat na sa 197 ang Covid-related deaths sa Sultan Kudarat; 529 sa South Cotabato; 78 sa Sarangani; 48 sa North Cotabato ug 471 sa General Santos City.

(Source: DOH 12)

Leave a Reply