27,000 katao kada taon ang namamatay sa bansa dahil sa air pollution — Greenpeace

0
42

Aabot sa 27,000 katao kada taon ang namamatay sa Pilipinas dahil sa polusyon sa hangin na dulot ng fossil fuels.

Ito’y ayon sa grupong Greenpeace, kung saan aabot sa $2.9-T ang halaga ng pinsalang idinudulot ng air pollution sa pandaigdigang ekonomiya kada taon.

Batay sa inilabas na pag-aaral ng grupo at ng Center for Research on Energy and Clean Air, ang Timog Silangang Asya ang nangunguna sa global cost of air pollution sa global economic output.

Sa datos na inilabas ng grupo, nasa $900-B ang halaga ng fossil fuel air pollution sa mainland China pa lamang.

Gayunman, nasa 1.9% naman ng Gross Domestic Product (GDP) ang nalulugi sa Pilipinas kada taon dahil pa rin sa polusyon sa hangin.

Dagdag pa ng grupo, nasa 40,000 kabataan ding may edad limang taong gulang pababa ang nasasawi sa buong mundo kada taon dahil sa sobrang pagkakalantad sa PM 2.5 pollution mula sa fossil fuels.

Kabilang din sa mapaminsilang air pollution ay ang nitrogen dioxide na nakukuha mula sa mga usok ng sasakyan, power plants at mga pabrika na nagdudulot ito ng sakit sa tao, gaya na lamang ng 4-M kaso ng asthma sa mga bata kada taon.