Panelo iginiit na hindi pa kumpirmado ang ulat na kasama si Espenido sa drug watch list

0
20

Hindi pa kumpirmado ang ulat na kabilang si Police Lietenant Col. Jovie Espenido sa drug watch list ni Pang. Rodrigo Duterte.

Ito ang binigyang linaw ni Presidential Spokesman Salvador Panelo matapos na mapaulat na kabilang si Espenido sa mga ini-imbestigahan dahil sa pagkakasangkot sa transaksyon ng illegal na droga.

Ayon kay Panelo kailangan munang ma-beripika ang ulat na kaya’t sinibak si Espenido bilang deputy chief for operations at pinuno ng drug enforcement unit ng Bacolod City Police Office ay dahil sangkot ito sa illegal na droga.

Kaugnay nito, dumistansiya naman si Phil. National Police (PNP) Spokesman Brig. Gen. Bernard Banac hinggil sa naturang alegasyon habang nagpapatuloy ang validation ng PNP sa higit 300 pulis na ini-imbestigahan dahil sa kalakalan ng illegal na droga.

Magugunitang, una nang tiniyak ni PNP Chief Archie Gamboa na mahigpit nilang i-imbestigahan ang mga pulis na kabilang sa narcolist.

Si Espenido ang opisyal na namuno sa pagsalakay sa  tahanan ni dating Ozamis City Mayor Reynaldo Parojinog na naging sanhi ng kamatayan ng Alkalde, gayundin sa pagkamatay ni Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr.