Pulisya paiigtingin ang hakbang kontra illegal gambling

0
47

Mas lalo pang paiigtingin ng pulisya ang mga ipinatutupad nilang hakbang upang pigilan ang paglaganap ng illegal gambling sa bansa.

Ito ay matapos maaresto ang 11 katao sa illegal gambling na “lotteng” noong nakaraang Sabado.

Ayon kay National Capital Region Police Office Chief (NCRPO) Maj. Gen. Guillermo Eleazar, may panibagong umuusbong na gambling scheme ngayon kung saan ginagamit ng mga sindikato ang lotto sa kanilang iligal na transaksyon.

Sa lotto, ang lotto kasi meron tayong outlet at dun talaga kayo tumataya. Walang nangongolekta dyan. So, ito ngayon meron tayong ibang mga illegal na sindikato, na itong lotto ginawang ‘lotteng’. Ibig sabihin, meron syempreng tinatayaan dun, diba sa lotto may 6 na numbers. Dun sa 6 na numbers na yan kapag tumama ka may karampatang ‘pot’ na pataas ng pataas. Ngayon dito sa lotteng, ang ginagawa dun tataya sila ng 12 numero. Tapos ngayon, ang pagbabasehan nila sa pagtama yung number na mabubunot sa lotto. So meaning, sa lotto na tatayaan mo, ngayon ‘pag dun sa 12 na numero mo may tumamang 6, may corresponding na matatanggap kang premyo. So, ang 10 pesos tatamaan 18,000 meaning hindi nila pinapasok yung mismong koleksyon na ito dun mismo sa lotto pero may sarili silang proseso ng pagbibigay ng premyo.

Sa ngayon, tiniyak rin naman ni Eleazar na patuloy silang makikipag-ugnayan sa PCSO, upang tuluyan nang masugpo ang illegal gambling sa bansa.

Kasi po ako’y nakipag-coordinate sa General Manager ng PCSO na si GM Royina Garma at nabanggit ko po sa kanya ang full commitment ng ating kapulisan para po sa pagtulong sa paghahanap nitong illegal activities at makatulong sa pagtaas po ng revenue collection ng ating pamahalaan na ginagamit naman sa ating mga kababayan. Para sa ating mga kababayan sana tangkilikin lang po yung mga legal at authorized na mga gaming schemes ng PCSO at ‘wag na po yung mga illegal. — Pahayag ni PNP Maj. Gen. Guillermo Eleazar