Wednesday, May 8, 2024

24,000 na mga stranded na OFW sa Metro Manila sinimulan ng pauuwiin sa kani-kanilang lalawigan

- Advertisement -

Inaasahang made-decongest na ang mga quarantine facility sa Metro Manila.

Ito’y matapos simulan na ang malawakang pagpapauwi sa mahigit 24,000 stranded na OFW sa iba-ibang pasilidad sa kalakhang Maynila.

Nagrereklamo na kasi ang maraming OFW dahil sa pagkakatengga ng mga ito sa nasabing mga pasilidad ng napakatagal bunsod umano ng mabagal na testing o matagal na paglabas ng resulta ng nasabing pagsusuri.

Sinagot naman ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang gastos sa pasamahe pauwi ng mga OFW sa kani-kanilang lalawigan.

Kasabay nito, nakiusap ng OWWA sa local government units na huwag na muling isailalim pa sa quarantine ang mga uuwing OFW.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img