24 panibagong kaso ng COVID-19 naitala sa Maynila

0
23

Muling nakapagtala ng 24 na panibagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Maynila.

Batay sa pinakahuling datos ng Manila Health Department, sumampa na sa 368 ang kabuuang bilang ng nagpositibo sa sakit sa lungsod.

Ang mga naitalang kaso ay pawang mga residente ng:

  • Binondo – 6
  • Ermita – 14
  • Intramuros – 0
  • Malate – 23
  • Paco – 19
  • Pandacan – 17
  • Port Area – 3
  • Quiapo – 5
  • Sampaloc – 85
  • San Andres – 28
  • San Miguel – 8
  • San Nicolas – 3
  • Ana – 16
  • Cruz – 31
  • Mesa – 31
  • Tondo 1 – 38
  • Tondo 2 – 41

Samantala, nasa 47 naman ang nasawi dahil COVID-19 habang 31 naman ang naka-recover.