Thursday, May 2, 2024

24 katao patay sa panibagong karahasan sa Afghanistan

- Advertisement -

Patay ang 24 katao, kabilang ang dalawang sanggol, matapos pasukin ng mga armadong lalaki ang isang maternity hospital sa Kabul, Afghanistan.

Ayon sa Ministry of Interior Affairs, bukod sa mga bagong luwal na bata, nasawi rin ang kanilang mga nanay at ilang nurse.

Pahayag naman ni Interior ministry spokesman Tareq Arian, agad na inilikas mula sa ospital ang ilang bagong panganak na ina at mga sanggol.

Sa paunang imbestigasyon, tatlong armadong lalaki ang pumasok sa ospital habang nakasuot ng police uniforms bago naghagis ng mga granada at namaril.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img