Thursday, May 2, 2024

23 volcanic earthquakes naitala sa nakalipas na 24-oras —PHIVOLCS

- Advertisement -

Nakapagtala ng 23 volcanic earthquakes ang Bulkang Taal sa nakalipas na 24-oras.

Ayon sa Taal Volcano Bulletin ng PHIVOLCS, nasa 1.2 hanggang 3.8 ang magnitude ng mga naturang volcanic earthquake at isa rito ay naramdaman sa Intensity I.

Sa nakalipas na 24-oras, nakakapagtala pa rin ng mas madalang nang mahihinang pagsabog sa bulkan na nagbuga ng kulay ‘dirty white’ na ash plumes na ang taas ay nasa 500-meters hanggang 1,000-meters.

Pumapalo na sa 176 ang naitalang volcanic earthquake na may lakas na Intensity I hanggang V –simula pa noong hapon ng January 12.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img