Monday, May 6, 2024

Pacquiao mag-aaksaya lang ng panahon kung pipili ng mas batang boksingero sa susunod na laban — Analyst

- Advertisement -

Mag-aaksaya lamang ng panahon si Senador Manny Pacquiao kung pipiliin ang mas batang boksingero para sa susunod niyang laban.

Ayon ito sa sports analyst na si Atty. Ed Tolentino dahil hindi aniya makakadagdag sa iiwang legacy ni pacman ang pakikipagtuos nito sa mga mas batang boksingero tulad nina dating 2 time World Champion Danny Garcia at WBC welterweight title holder Shawn Porter.

Gayunman sinabi ni Tolentino na kung gusto talaga ni pacman na makalaban ang mas batang boksingero dapat nitong ikunsider ang isa sa tinaguriang pound for pound greats na si Terence Crawford na may hawak ng WBO welterweight belt at kilalang counter puncher.

Lumabas sa survey na isinagawa ng team Pacquiao sa social media na si Floyd Mayweather, Jr. ang nanguna sa mga nais ng netizens na makalaban ni Pacman sa susunod nitong laban.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img