Friday, May 3, 2024

200 Metric Tons Ng Baboy Buhat Gensan, Dumating Na

- Advertisement -

Dumating na ang 200-libong kilo ng buhay na baboy sa Port of Manila kahapon sakay ng  MV Oceanic Freedom mula sa General Santos City. Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, ang naturang mga baboy ang pupuno sa kakulangan sa suplay ng produkto sa Metro Manila.

Sinabi ni Secretary Dar na  hindi magtatagal ay matatapos na ang kakulangan ng suplay ng baboy maging sa manok sa Metro Manila dahil sa mga suplay na magmumula sa iba’t- ibang lugar sa bansa na walang African Swine flu.

Tiniyak din ni Secretary Dar na mayroon pang sapat na suplay na darating mula sa iba pang probinsya gaya ng Iloilo, Batangas, Mindoro at iba pa para punan ang demand sa karne ng baboy sa Kalakhang Maynila. (John Rey Sumido)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img