Mga paghahanda para sa SONA ni Pangulong Duterte nagsimula na

0
52

Nagsimula nang mag-handa ang mga kinatawan ng Telebisyon, Radyo, Print at Online Media mahigit isang buwan bago ang nakatakdang SONA o State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isinagawang pulong ng Committee on Media sa Task Force SONA 2019, tinalakay ang panuntunan sa darating na SONA kabilang na ang dress code, holding areas, at pag-susumite ng media accreditation.

Kaugnay nito, sinabi naman ni NCRPO Director Major General Guillermo Eleazar na aabot sa 5,000 pulis ang ipakakalat sa mismong araw ng SONA sa Hulyo 22 upang tiyakin ang seguridad sa gaganaping SONA ng Pangulo.