2 sports complex gagawing COVID-19 facilities

2 sports complex gagawing COVID-19 facilities

by Powered by DWIZ
45 views

Pansamantalang gagawing coronavirus disease 2019 (COVID-19) facilities ang Philippines Sports Complex sa Pasig at Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila.

Ayon kay Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William Ramirez, pinag-aaralan na ngayon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kung paano magagamit ang dalawang sports complex bilang medical facilities.

Sinabi naman ni Senior Executive Assistant at National Training Director Marc Velasco, bumubuo narin ng plano ang PSC management committee upang matiyak na ligtas at isolated ang dalawang sports complex mula sa mga natitirang atleta na nakatira dito.

Aniya, bagamat kanila nang pinauwi ang mga atletang nasa dorm, mayroon pa ring nananatili dito na nagsasanay para sa olympic qualifying tournaments.

0 comment

Related Posts