Misting isinagawa sa Maynila

Misting isinagawa sa Maynila

by Powered by DWIZ
51 views

Nagsagawa ng citywide misting operation sa Maynila kahapon, Marso 29.

Ayon sa Manila Public Information Office, ito ay para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lungsod.

Pinangunahan naman ito ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) katuwang ang Manila Barangay Bureau.

Samantala, sumampa na sa 50 ang naitalang positibo sa COVID-19 sa Maynila, habang nasa anim na ang naitalang nasawi.

0 comment

Related Posts