Mga nagbebenta ng alak sa Maynila binalaan

Mga nagbebenta ng alak sa Maynila binalaan

by Powered by DWIZ
49 views

Binalaan ni Mayor Isko Moreno ang mga patuloy na nagbebenta ng alak sa Maynila sa kabila ng ipinapatupad na liquor ban.

Ito ay matapos na makatanggap ng report ang mga otoridad hinggil sa pag-iinom ng alak ng ilang residente sa Maynila.

Ayon sa Alkalde, kanyang kakanselahin ang mga business permits ng mga tindahan na mahuhuli ng otoridad na nagbebenta parin ng mga alak.

Dagdag pa rito, ipinag-utos narin ni Moreno sa mga opisyal ng barangay ang paghuli sa mga residenteng lalabag sa umiiral na community quarantine.

0 comment

Related Posts