Friday, May 10, 2024

2 PMA officers inalis sa pwesto matapos masawi si Dormitorio

- Advertisement -

Dalawang opisyal ng PMA ang ni relieve na matapos masawi ang hazing victim na si Darwin Dormitorio.

Sinabi ni PMA Spokesman Major Reynand Afan na inalis sa puwesto ang senior tactical officer at tactical officer ni Dormitorio para na rin sa pantay na imbestigasyon sa kaso.

Tumanggi naman si Afan na kilalanin ang mga nasabing PMA officers bagamat nilinaw nitong hindi naman sangkot sa hazing incident laban kay Dormitorio ang mga ito.

Kasabay nito, ipinabatid ng pamunuan ng PNP na siyam na kadete ang nakasaksi sa hazing incident laban kay Dormitorio.

Hinihintay na lamang nito ang resulta ng iba’t ibang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa insidente para malaman kung sinu sino ang mga dapat managot sa insidente.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -