Malakanyang naniniwalang dapat magbitiw sa pwesto ang pinuno ng PMA

0
13

Naniniwala ang Malakaniyang na dapat magbitiw sa puwesto si PMA Superintendent Lt. Gen Ronnie Evangelista.

Kasunod na rin ito ng pahayag ni Cagayan De Oro Congressman Rufus Rodriguez na magbitiw na sa puwesto si Evangelista matapos masawi sa hazing si PMA Cadet Third Class Darwin Dormitorio.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, wala nang dahilan para manatili pa sa pwesto si Evangelista kung lalabas na hindi nito batid ang mga nangyayari sa akademyang pinamumunuan nito.

Bilang pinuno ng PMA, sinabi ni Panelo na may kapangyarihan si Evangelista na ipagbawal ang hazing.

Kinakailangan aniyang magkaruon ng top to bottom accountability partikular sa hanay ng pamunuan ng PMA na dapat makasuhan ng administratibo kundi man ng kriminal.