Panukalang dagdag-hazard pay sa mga frontliners welcome sa PNP

0
23

Welcome naman sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang itinutulak na panukala ni Senador Panfilo Lacson.

Ito’y upang dagdagan ang natatanggap na hazard pay at insurance ng mga frontliners sa pagtugon sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay PNP Spokesman P/BGen. Bernard Banac, malaking tulong ito para sa mga frontliners na nagbubuwis ng kanilang buhay para masagip ang marami nating kababayan mula sa nakahahawang virus.

Suportado ng buong hanay ng PNP sa pangunguna ni Police General Archie Francisco Gamboa ang anumang panukala na magbibigay ng financial assistance o hazardous pay sa lahat ng ating mga frontliners. Hindi lamang ang mga pulis, kundi maging ang mga sundalo at mga health workers at maging ang ating mga government workers na nasa skeletal force ngayon na nagbibigay pa rin ng serbisyo,” ani Banac. —sa panayam ng Balitang 882