IRM na para sa COVID-19 hindi pwedeng gamitin sa mga dialysis centers, maternity clinics — Duque

0
21

Inamin ni Health Secretary Francisco Duque III na hindi tama ang pagbibigay ng PhilHealth ng cash advances sa ilalim ng interim reimbursement mechanism (IRM) sa mga maternity clinic at sa mga dialysis center gaya ng B. Braun Avitum.

Ayon kay Duque, hindi maaaring gamitin ang pondo ng IRM na nakalaan sa COVID-19 sa mga dialysis center at maternity clinics

Pero igiit ni Senator Panfilo Lacson, na batay sa definition ng PhilHealth sa kanilang circular na ang IRM ay para sa mga fortuitous events.

Kahit aniya maghapon at isang linggong basahin nang paulit-ulit ang circular na ito, hindi mababasa na saklaw ng fortuitous events ang dialysis at maternity care dahil ito ay regular benefit claim sa PhilHealth.

Kaya nung tinanong ni Lacson si Duque kung iligal at malversation ang pagbibigay  ng PhilHealth sa B. Braun Avitum ng cash advance o ng IRM funds, ay ‘oo’ ang isinagot ng kalihim.

Samantala, nangako naman si Duque na kanila itong itatama.

Sa pagsisiyasat naman ni Lacson at kanyang tanggapan, lumalabas na aabot na sa 226,380,912 ang IRM releases nito sa mga dialysis center at 4,772,163 sa mga maternity clinic. — ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)