Friday, May 3, 2024

2 miyembro ng MILF huli sa pagdadala ng armas sa plebisito para sa BOL

- Advertisement -

Dalawang miyembro na ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang nahuli ng Western Mindanao Command na may dalang baril at may kasama pang bala sa kanilang istasyon sa Cotabato City.

Ito’y sa kabila ng paalala ng WESTMINCOM sa mga miyembro ng grupong MILF na hindi sila maaaring magdala ng armas sa kasagsagan ng plebisito para sa Bangsamoro Organic Law sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Ito, ayon kay Col. Gerry Besana, tagapagsalita ng WESTMINCOM, ay alinsunod sa protocol ng mga kasamahan sa MILF.

Puwersa ng seguridad sa ARMM, kasado na

Samantala, buong puwersa na ang pagbabantay ng pulisya at militar sa kasalukuyang nagaganap na plebisito para sa BOL sa ARMM.

Ayon kay Col. Besana, susubaybayan nila ang naturang aktibidad hanggang sa pagbiyahe ng mga ballot boxes at makarating sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa naturang lugar.

Ito aniya ay para masigurong ligtas at hindi maantala ang pag-proseso ng mga balota.

Sa ngayon ay wala pang naitatalang ulat ng posibleng mano-manong pagbubuhat ng mga ballot boxes sa nasabing ahensya.

Balitang Todong Lakas (Interview)

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img