OFW patay matapos mahulog sa isang apartment building sa Morocco

0
49

Patay ang isang OFW matapos mahulog mula sa ikatlong palapag ng apartment building ng kanyang amo sa Casablanca, Morocco.

Ayon kay Philippine Ambassador to Libya Elmer Cato, nagtangkang tumakas sa kanyang amo ang Pinay OFW matapos silang magtalo gamit ang pinagdugtong dugtong na damit.

Gayunman, nahulog ang 49 anyos na Pinay at nasawi dahil sa pinsalang tinamo ng kanyang katawan.

Sinabi ni Cato na hawak na ng otoridad sa Morocco ang amo ng Pinay at sinimulan na ang imbestigasyon.

Samantala, inihahanda na anya ng embahada ang pagpapauwi sa labi ng biktima.