35.8 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

2 koreano at isang lalaki arestado sa magkahiwalay na buy bust operation

- Advertisement -

Arestado ang dalawang Koreano dahil sa pagbebenta ng iligal na droga sa Angeles City.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency, nakuha sa mga dayuhan ang higit 35,00 halaga ng shabu sa buy – bust operation na isisnagawa sa isang motel.

Tinukoy na ang isa sa mga suspek na si Hong Da On ay isang english translator at subject ng isang deportation order noon pang 2016.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa PDEA regional jail sa city of San Fernando.


Timbog sa ikinasang buy-bust operation ng mga pulis ang isang 22-anyos na lalaki sa Silay City, Negros Occidental.

Ayon sa mga awtoridad, kolektor at distributor ng droga ng isang malaking grupo ang hindi pinangalanang suspek sa Silay City kaya malaking halaga ng shabu ang kanyang hinahawakan.

Nasabat sa operasyon ang 12 sachets ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng kalahating milyong piso.

Nakakulong na ngayon sa Silay Police Station ang suspek na sinasabi na dati nang naging subject ng buy-bust operation pero nakatakas ito.

(Gilbert Perdez)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -