2 hinihinalang Abu Sayyaf patay sa sagupaan sa Sulu

0
44

Patay ang dalawang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf at dalawa rin ang naaresto matapos makipagsagupaan sa tropa ng gobyerno sa Sulu.

Ayon sa Western Mindanao Command, nangyari ang engkuwentro pasado alas singko ng madaling araw kahapon sa barangay Lihbong Kabaw sa bayan ng Panglima Estino.

Nakasagupa ng mga tauhan ng marine companies ang halos 100 bandido na mga tauhan nina Radullan Sahiron, Idang Susukan at Almujer Yadah.

Nagsasagawa ng focused military operation ang mga sundalo nang maka engkuwentro ang mga bandido na nakuhanan ng M653 at M14 rifles.

Wala namang nasugatan sa panig ng gobyerno samantalang kaagad dinala sa kuta Heneral Teodulfo Bautista Station Hospital ang mga naarestong bandido para sa kaukulang medical attention.