Saturday, May 4, 2024

Nakatakdang dagdag pasahe sa pampasaherong bus at jeep tuloy na

- Advertisement -

Tuloy ang nakatakdang dagdag pasahe ng mga pampasaherong bus at jeep simula sa susunod na buwan.

Kasunod ito nang pagbasura ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa motion for reconsideration na isinumite nina Arlis Acao, isang jeepney driver at Rodolfo Javellana Jr. ng United Filipino Consumers and Commuters.

Una nang inihayag ng petitioners na walang basehan ang panibagong dagdag singil sa pasahe sa mga pampublikong sasakyan.

Batay sa desisyon ng LTFRB, piso ang dagdag o P10 na ang minimum na pasahe sa Metro Manila, southern at central Luzon sa mga pampasaherong jeep.

Sa mga ordinary bus sa Metro Manila, P11 na ang minimum fate samantalang P13 naman sa airconditioned buses.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img