31.6 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

Habambuhay na diskawilipikasyon inirerekomenda laban kay ex-Sen. Osmeña

- Advertisement -

Inirekomenda ng campaign finance office ng COMELEC ang habambuhay na pagbabawal kay dating Senador Sergio Osmeña III para tumakbo sa anumang posisyon sa gobyerno.

Ito ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez ay dahil nabigo si Osmeña na maghain ng kanilang statement of contributions and expenditures (SOCE) ng dalawang beses nang tumakbo itong senador nuong 2010 at 2016.

Sinabi ni Jimenez na bibigyan naman nila ng pagkakataon si osmenia na i depensa ang kaniyang sarili lalo nat matagal tagal din ang proseso ng rekomendasyong perpetual disqualification.

Pupuwede aniyang tumabo sa anumang posisyon si Osmeña subalit may pending disqualification case laban sa kaniya.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -