Pilipinas pasok sa ‘50 sexiest nationalities’ sa buong mundo

0
57

Pasok ang Pilipinas sa 50 itinuturing na sexiest nationalities sa buong mundo.

Batay sa survey ng Big 7 Travel, isang travel and food website, puma pangatlo ang mga Pilipino bilang sexiest nationalities.

Binigyang shout out o partikular na tinukoy ng nasabing artikulo ang mga kilalang Pinoy sexiest nationalities na sina Boxing Champion Senador Manny Pacquiao, Filipino American Singer Songwriter Bruno Mars at mga beauty queen na nagwagi sa mga international beauty pageants kabilang sina Miss Universe Queens Pia Wurtzbach at Catriona Gray.

Nanguna naman bilang sexiest nationalities ang mga Ukranians, ikalawa ang Danes, ika apat ang Brazilians at ika lima ang Australians.

Ang nasabing website ay nagsagawa ng survey sa mahigit 1.5 milyong readers nila sa buong mundo.

Sa pinakahuli ring Big 7 Travel Survey, ang Filipino accent ang tinaguriang sexiest in Asia at ika 21st sexiest sa buong mundo.