Friday, May 3, 2024

2 Employee ng BOC sugatan sa pamamaril sa Makati City

- Advertisement -

Mariing kinondena ng BOC o Bureau Of Customs ang nangyaring pamamaril sa 2 Customs Employee, kahapon.

Kinilala ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero ang mga biktima bilang ang magkapatid na sina Maricon Manalo, 55 taong gulang at Marietta Lasac, 60 taong gulang.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, ang mga biktima ay nakasakay isang Toyota Corolla altis at nasa bahagi ng Lapu-Lapu Avenue Magallanes sa Makati City nang may isang kotse na humarang sa kanila.

Sinasabing nasa 4 na lalaki ang bumaba sa kotse at pwersahang pinababa ang mga biktima sa kanilang sasakyan.

Sa ngayon, tiniyak naman ng mga otoridad na nasa stable na kalagayan na ang mga biktima ngunit nananatili pa rin ang mga ito sa ospital.

Samantala, batay rin sa imbestigasyon ng pulisya maaring tinangka ng mga suspect na dukutin o pagnakawan ang mga biktima.

Tiniyak naman ni Guerrero na gagawin ng BOC ang lahat ng paraan para mapanagot ang mga salarin.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img