29.5 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Aabot sa 80 bahay ang naabo dahil sa sunog sa General Santos City

- Advertisement -

Aabot sa 80 bahay ang naabo matapos sumiklab ang isang sunog sa Barangay Calumpang sa General Santos City, kagabi.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng BFP o bureau of Fire Protection, tinatayang nasa 300 libong piso ang halaga ng mga ari-ariang napinsala.

Faulty wiring naman ang posibleng naging dahilan ng naturang sunog.

Samantala, batay naman sa insiyal na talaan ng CDRRMO o City Disaster Risk Reduction and Management Office, nasa 100 daan na pamilya ang apektado ng nasabing sunog ngunit posible pa itong madagdagan habang nagpapatuloy pa ang assessment ng mga otoridad.

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -