Magandang performance tropang Texters tiniyak sa 3rd Conference ng Pba Commissioner’s Cup.

0
45

Sisiguraduhin ng TNT na ibibigay nila ang todo nilang performance sa 3rd Conference ng PBA Commissioner’s Cup.

Ito ay matapos hindi palarin na manalo ang TNT ngayong taon.

Ayon kay TNT Active Consultant Mark Dickel, tiwala siyang makapagbibigay pa ng mas magandang Performance ang koponan sa huling Conference ng PBA Season.

Paliwanag nito, malaki na ang naging improvement ng kanilang koponan kumpara sa kanilang naging laro noong nakaraang taon.

Matatandaang, tinalo ng San Miguel ang TNT sa score na 102-90 sa Game 6 ng Commisioner’s Cup ngayong taon.