18 lugar sa bansa tinukoy bilang election hotspot ng PNP

0
56

18 lugar sa bansa ang tinukoy bilang election hotspot ng PNP o Philippine National Police dahil sa posibilidad na pagsiklab ng karahasan ngayong panahon ng eleksyon.

Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, kasama sa listahan ang ilang siyuad at munisipalidad sa Ilocos region at Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Inilagay sa hotspot ang naturang mga lugar dahil sa dati nang nangyaring mga karahasan noong eleksyon, presensya ng rebeldeng grupo at iba pa.

Pinag-aaralan pa ng PNP kung isasailalim sa kontrol ng Comelec ang naturang mga lugar.