Bilang ng nasawi sa bagyong Rosita pumapalo na sa 17

0
52

Pumapalo na sa 17 ang nasawi dahil sa bagyong Rosita.

Ayon ito sa Philippine National Police (PNP), na nagsabing karamihan sa mga nasawi ay mula sa landslides sa Cordillera Administrative Region (CAR) kung saan 23 pa ang nawawala at 11 ang nasugatan.

Samantala, ipinabatid ng PNP na halos 11,000 evacuues ang nananatili sa mahigit limang libong evacuations na karamihan ay nasa CALABARZON area.

Mahigit 5,000 bahay at imprastruktura ang nasira ng bagyong Rosita na nagpabaha rin hanggang ngayon sa 30 lugar sa Cagayan Valley.

Iniulat naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na mahigit 30,000 pamilya o halos 112,000 indibidwal ang naapektuhan ng bagyong Rosita mula sa regions 1, 2, 3, 8 at CAR.

Sinabi ng NDRRMC na naibalik na ang supply ng kuryente sa 66 na lugar mula sa 147 area na nawalan ng power supply sa kasagsagan nang pananalasa ng bagyong Rosita.

Nasa 45 kalsada naman ang hindi pa rin uubrang madaanan dahil sa landslides at mga pagbaha.


NDRRMC lilimitahan ang rescue teams sa Mt. Province

Lilimitahan Na ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang bilang ng rescue teams na nagsasagawa ng search and retrieval operations sa gumuhong gusali ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Natonin, Mountain Province.

Ipinabatid ito ni NDRRMC Spokesman Director Edgar Posadas matapos sabihing hindi stable ang nasabing lugar bunsod na rin ng mga insidente ng landslide sa Cordillera Region.

Ayon sa Northern Luzon Command, mahigit 20 insidente ng landslide ang naitala sa naturang rehiyon batay na rin sa isinagawang aerial inspection ng mga otoridad.

Halos limang landslide areas na ang na clear ng mga sundalo.