33.7 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

16 Covid Related Deaths, 71 New Patients, Naitala Sa Sarangani

- Advertisement -

Sarangani Province – Labing-anim na residente ng Sarangani province ang binawian ng buhay matapos tamaan ng coronavirus disease 2019 infections.

Sa ipinalabas na October 3 tracker bulletin ng Department of Health, umakyat na sa 78 ang Covid-19 related deaths sa probinsiya, matapos maitala ang naturang bagong bilang.

Kabilang dito ang  pitong namatay  mula sa bayan ng Glan; anim sa Alabel, dalawa sa Kiamba at isa sa bayan ng Maasim.

Maliban sa newly-reported deaths, naitala din sa probinsiya ang 74 na bagong pasyente.

Ang mga ito ay kinabibilangan ng 15 mula sa Malapatan; 11 sa Malungon at 16 sa Kiamba.

Mayroong tig-sisiyam na kaso sa Maitum at Glan; walo sa Alabel at anim sa bayan ng Maasim.

Sa kabuuan, umakyat na sa 5,382 ang total confirmed Covid cases sa probinsiya, kung saan, 951 sa mga ito ang aktibong pasyente.

(Source: Provincial Information Office – Sarangani)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -