15 milyong halaga ng mga mamahaling bags na idineklarang canned goods nasabat sa NAIA

0
17

Nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) ang aabot sa 15 milyong halaga ng high end brands na mga bag, wallet at sapatos sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Para umano makaiwas sa pagbabayad ng duties at taxes ay idineklara ang naturang kargamento na mga de lata, shampoo at iba pang gamit na mula umano sa Milan, Italy.

Isinailalim naman sa seizure at forfeiture ang mga kargamento.