35.4 C
Manila
Friday, April 26, 2024

14-day quarantine vs. COVID-19 ‘di maaaring tanggihan —DOH asec

- Advertisement -

Walang sinuman ang maaring tumangging sumailalim sa 14-day quarantine para sa 2019 coronavirus disease (COVID-19).

Ito ay sa oras na ideklara na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang state of public health emergency sa bansa.

Ayon kay Health assistant secretary Maria Rosario Vergeire may karampatang parusa sa sinumang tatanggi na sumailalim sa quarantine.

Sinabi ni Vergeire, sa oras kasi na ideklara ng pamahalaan ang COVID-19 bilang state of public health emergency magkakaroon ito ng otoridad na patawan ng parusa sa sinumang hindi susunod sa mga ipinatutupad na protocols ng gobyerno para labanan ang virus.

Una rito, sinabi ni Health secretary Francisco Duque III na sa ilalim ng state of public health emergency mas mapadadali ang pagkilos ng mga lokal na pamahalaan at kaukulang ahensiya ng gobyerno pati na rin ang paglalabas ng pondo para labanan ang pagkalat ng virus.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -