13 Pamilya Nabigyan Ng Family Support Sa Ilalim Ng BP2 Program

0
82




Iriga City – Sa ilalim ng BP2 Program (Balik-Probinsya, Bagong Pag-asa Program), nabigyan ng family support packages na nagkakahalaga ng ₱ 548,000.00 ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang nasa 13 pamilya o 46 na indibidwal na ginanap sa Baao Community, Baao, Camarines Sur nitong nakaraang Mayo 18, 2021.

Binubuo ang transitory family support package na aabot sa ₱ 10,000.00 to ₱ 70,000.00 ng pagkain at mga non-food items na kakailangan ng bawat pamilya habang nasa transition phase pa ang mga ito. Nagbigay rin ang DSWD ng 52 Family Food Packs (FFPs) kung saan tig aapat na FFPs ang natanggap ng bawat pamilya.

Sa pahayag ni Regional Program Coordinator (RPC) Rosalie M. Barizo, dumaan sa DSWD National Program and Management Office (NPMO)assessment ang benepisyaryo at nakabase rito kung ilan at kung anong klase ng ayuda ang matatanggap ng mga ito.

Ayon pa kay Barizo, “the beneficiaries were identified and assessed based on the generated list of applicants using the registration system established by the NHA,” Dagdag pa nito, dadaan pa umano ang mga pamilyang benepisyaryo sa ilan pang mga assessment upang masigurado na long-term intervention ang maibibigay sa mga ito.

Matatandaan na pinangunahan ng National Housing Authority ang step-by-step validation process ng mga pamilyang uuwi sa Camarines Sur madaling araw ng Abril 29, 2021 sa BP2 Depot sa Quezon City. Mula sa health at sanitation protocols, disinfection ng mga dala-dalang gamit, pagrerehistro, at hanggang sa pagbibigay ng BP2 IDs. Pagkatapos ng orientation, sumailalim ang mga benepisyaryo sa RT-PCR test upang matiyak na sila ay COVID-free bago bumalik sa probinsya.

(Source: DSWD Region V, photos courtesy of BP2 and DSWD V)

Leave a Reply