Temporary Ban sa mga produktong baboy mula sa North Korea ipinatupad na ng Department of Agriculture

0
50

Ipinag-Utos na ng DA  o Department of Agriculture ang Temporary Ban sa pagpasok ng mga Pork Products sa bansa mula sa North Korea.

Batay sa inilabas na Memorandum Order ng D.A., nakasaad na pansamantala munang ipatutupad ang Ban ng mga karneng baboy mula sa North Korea.

Ito ay para maiwasan ang pagpasok ng ASF o African Swine Fever at upang maprotektahan ang Local Swine Population sa bansa.

Kaugnay nito, kinumpirma naman ng Ministry of Agriculture ng North Korea na nakapag tala na sila ng ilang kaso ng ASF.

Samantala, maliban sa North Korean kabilang rin naman sa Temporary Ban ang mga bansang Laos, Vietnam, South Africa, Cambodia at China.