Pasok sa ilang tanggapan ng gobyerno ‘half-day’ ngayong araw

0
56

Wala nang pasok simula ngayong tanghali ang ilang tanggapan ng gobyerno at lokal na pamahalaan sa Metro Manila ngayong araw, bisperas ng Undas.

Kabilang sa mga half-day ng pasok ngayong araw ay ang city government ng Maynila, Quezon City at Muntinlupa.

Maliban dito, kanselado na rin ang pang hapong trabaho sa Senado, mga korte sa buong bansa habang nagdeklara na ng buong araw na suspensyon sa pasok ang Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Layon nitong mabigyan ng pagkakataon ang mga kawani ng gobyerno na makabiyahe ng mas maaga patungo sa mga lalawigan para sa Undas.

—-