Saturday, May 4, 2024

1 wanted na South Korean arestado ng B.I

- Advertisement -

Arestado ang isang wanted na South Korean na sinasabing nanggantso ng kanyang mga kababayan ng higit 200 milyong won o 9 na milyong piso.

Ang 38 taong gulang na si Kim Woo ay nadakip ng mga ahente ng Bureau of Immigration o B.I. sa Angeles City, Pampanga.

 Ayon sa B.I., isa pang Koreano ang naloko rin ni Woo ng halos 129 million won o katumbas ng 5.7 million pesos para umano sa gagawin nitong pelikula.

Isiniwalat din ng Immigration na isang “Undocumented Foreigner” si Woo dahil kinansela na ng Korean Government ang kanyang pasaporte.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img