29.8 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

1sundalo patay at kanyang kapatid matapos salpukin ng isang bus sa Zamboanga Del Sur

- Advertisement -

Patay ang isang sundalong babae at ang kanyang kapatid matapos salpukin ng isang pampasaherong bus ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Labangan, Zamboanga Del Sur.

Kinilala ang mga biktima na sina Private Elmae Joy Indangan ng 54th Engineer Brigade ng Philippine Army at Niezel Mae Zacares Indangan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Labangan Police, patungong Pulacan, Zamboanga Del Sur ang magkapatid nang mabangga ng bus ang kanilang motorsiklo kaya’t tumilapon ang mga ito.

Nadala pa sa pagamutan ang mga biktima pero binawian din ng buhay.

Nakakulong na ngayon ang bus driver at naktakdang sampahan ng kaukulang kaso.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -