Ang may-ari ng F/B Gem-Ver 1 nababahala sa Recto Bank na baka maudlot ang tulong galing gobyerno

0
41

Nababahala ang may-ari ng F/B Gem-Ver 1 na binangga ng barkong Tsino sa Recto Bank na baka maudlot ang tulong sa kanila ng gobyerno.

Ginawa ni Arlinda Dela Torre ang pahayag kasunod ng pagbibitiw ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol.

Ayon naman sa mangingisdang si Vernel Agustin, malaking tulong ang bangka na ipinagkaloob sa kanila ng pamahalaan bagama’t mas mahina ang pundasyon nito kumpara sa Gem-Ver 1.